Patawad

Posted in My so-called life on 8 Pebrero 2008 by pinoyjetsetter

Patawad po at napatagal ang aking pagbalik… Medyo busy lang ng sobra.

Ganun pa man, ako’y andito na magmuli… at maghahasik na naman ng lagim.

Syet, ang lungkot naman ng mood… hahaha!

Nabaling Resolusyons

Posted in 2008, Blah! Blah! Blah! on 8 Enero 2008 by pinoyjetsetter

(gaya ng palasigaw na boses ni Toni Gonzaga tuwing naghohost ng PBB)

 Hello Philippines and Hello World! Tayo ay nasa Day 8 na ng unang buwan sa taong 2008. (tingin sa kabilang side/angle) Hindi pa man natatapos ang unang sampung araw ng taon ay ilan na rin sa mga New Year’s resolution ko ang nabali at hindi natupad… narito, basahin nyong lahat:

No-Dinner Diet

Kamakailan lang ay nagswapang na naman ang tiyan ko at nagkapaka-karpintero sa napakasarap na buffet ng Spiral sa Sofitel. Hindi ko matiis na hindi maghapunan lalo na’t libre kong malalasap ang mahal nilang pagkain. Sulit sa tiyan, sira naman ang pigura.

i-Maximize ang planner

Pagkatapos magpakalunod sa kape ng Starbucks at masamsam ang pangarap na planner, ayun, nasa aparador ko siya, nakatambak. Saya.

Ayusin ang Aparador

Nasorpresa ako sa dami ng nabili at natanggap kong damit noong nakaraang Pasko, dahil yan sa pagbuhos ng laman ng aparador ko nung huli ko itong buksan. Pero tsaka na ang ‘getting-to-know you’ activity namin dahil wala pa akong oras dahil balik busy-busyhan na sa trabaho. 

Tipirin ang pera

Waldas pa rin kaliwa’t kanan. Plantsa ng plantsa ng credit card kahit saan magpunta. Sa loob ng ilang araw tatawag na naman ang mga kaibigan kong mga taga credit card companies na masigasig akong kamustahin at tanungin kung kailan ko mababayaran ang mga gastusin ko sa buhay.

Maging mahinahon

Masisisi mo ba kung natural na kaimbyernahan ang dala-dala ng kaopisina ko at sirang-sira ang diskarte ko sa buhay araw-araw? Dagdag pa ang mga lekat na kliyente na halatang walang urbanidad kung paano makitungo sa mga tao.

Pumasok sa opisina ng maaga

Hanggang ngayon madalas pa rin akong saved by the bell. Isang late na lang, memo na naman… hay.. ewan ko ba, batugan kumilos, madali namang uminit ang ulo pag naiipit sa traffic.

Sana’y hindi na madagdagan ang mga resolusyong nababali sa taong ito. Eh kayo?

In da Bag: Pag pupunta ng Mall

Posted in In da Bag on 29 Disyembre 2007 by pinoyjetsetter

Mahilig akong magdala ng clutch bag kapag lumalabas ako ng bahay. Ayoko kasi ng nakasuksok lahat ng dala-dalahan ko sa mga bulsa ng pantalon ko. Kadalasan ang laman nito ay ang mga sumusunod:

Cellphone

– Dumudulas ang telepono sa bulsa at nagmumukhang malapad ang hita ko lalo, kaya sa clutch bag ko na lang ito nilalagay, kahit risky

Susi ng bahay

– Wala akong sasakyan kaya susi lang ng bahay ang dala-dala ko.

Panyos

– May ‘s’ kasi marami. Medyo pawisin akong tao dahil mukhang pinaglihi ako sa polar bear na nabubuhay lang ng maayos sa malalamig na lugar. May isang nakasuksok sa bulsa ng pantalon ko, at dalawang reserba (sa mga panghinaharap na pagkakataon)

Oil-Control Film

– Ay ang arte! Hahaha! Pero sa totoo lang, malaking tulong ito. Kahit lalake kailangan din na magmukhang malinis, at di mamantika ang mukha. Sa tangkad at laki ko kasi, di imposibleng mapansin ako ng mga tao. Kaya kung pagtitinginan ako, sabay masebo ang mukha ko, yikes, dyahe.

Tic-Tacs

– Ay, ito dapat lahat may baon. Kadalasan pag nasa mall ako may nakakasalubong o nakakabanggang kakilala. Dyahe naman na pag-“hi!” mo parang naireport mo na rin ang lahat ng kinain at nabulok sa lalamunan mo sa baho ng hininga mo. Ay caramba!

Perdible

– Pag gitgitan na sa mall at nambabalye na ang mga tao, naglalagay na ako ng bukas na perdible na nakasungkit sa labas ng manggas ng damit ko para kung sino man ang magtangka ay sigurado makakatikim. Subukan ng maibigan!

Ballpen at papel

– Kahit cash transactions ngayon, may mga tindahan na pinapapirmahan pa ang mga invoice. Minsan din mamajackpot ka ng mga customer feedback surveys. Papel naman pag may gusto kang tandaan na di mo mailagay sa cellphone, o kaya pag may kailangan kang upuan na di ka sigurado kung nakailang buga ng utot ang huling umupo doon.

IDs at Credit Cards

– Kung saka-sakaling mag-inarte ang plansta ng credit card (kung saan iniiswipe ang card) magandang may dala kang proof of identification para di ka naman mukhang mandurukot ng wallet/card. Kailangan mo rin ito pang-panandaliang collateral, kung saka-sakaling naubusan ka ng pera at nakapunch na sa cashier yung binibili mo at kailangan mo pang magwithdraw sa labas para makakuha uli ng pera. Hay ang haba…

Pera

– Syempre

Business Cards

– Pang PR, just in case… o kaya baka makasalubong mo ang pinaka-epal na kaklase mo nung araw… pangyabang points! (haha ang kup*l)

iPod Shuffle

– Kung sakaling may makasabay ka sa elevator o kaya sa boutique na taong talak ng talak na parang nakikipagtalastasan kay Tita Swarding (Oi! Sino yun?)

Pabango

– Iba ang amoy pag galing ka sa isang punong mall. Amoy aircon na amoy pawis na amoy ewan, at ayokong mag-amoy ewan.

Minsan may iba pa… pero kadalasan ito ang bitbit ko.

Kayo, anong bitbit nyo?

Saturday Night Poison: Mango-Melon Shake

Posted in Poison, Saturday night on 29 Disyembre 2007 by pinoyjetsetter

Yep, pareho lang ito nung nilalako ng Big Chill.

Ingredients:

– Ripe mangoes (yung hindi kinalburo para natural yung tamis)

– Melon (yung cantaloupe variety, yung peach/orange ang kulay)

– BMX (simple sugar syrup; asukal na tinunaw sa tubig)

– Crushed ice

Procedure:

– Ilagay sa blender ang crushed ice

– Isunod ang diced melon; tapos ang sliced mangoes

– Iblend ng kaunti, tikman kung gaano karaming BMX ang kakailanganin

– Buhusan ng BMX ayon sa pangangailangan/kagustuhan; ituloy ang pagblend

– Ilagay sa chilled tall glass. Enjoy!

Bakit: Caridad Sanchez

Posted in Bakits, Blah! Blah! Blah!, Caridad Sanchez, Showbiz on 29 Disyembre 2007 by pinoyjetsetter

May signature dress-code ang beteranang aktres na si Caridad Sanchez: Pinoy-Bohemian. Sa sobrang kanya na ang look na yun, ito na ang consistent get-up niya sa lahat ng mga guest appearances at mga movie/tv roles niya for the past years.

Di naman sa nambabastos o kung ano man. Pero, bakit kaya?

Bakit: Eksena sa Starbucks

Posted in Bakits, Blah! Blah! Blah!, Starbucks on 29 Disyembre 2007 by pinoyjetsetter

Bakit may mga taong mahilig bumili ng hot beverage sa Starbucks, tumambay/magpose sa al-fresco area, pa-“sip”-“sip” ng konti, pa-basa-basa ng ‘reading material’, habang nagpupunas ng tumatagaktak na pawis?

Day-Off

Posted in coffee, Day-Off, gastronomy, happiness, iPod Shuffle, Long weekend, Metro Manila, movie marathon, My so-called life, Pagwawaldas, Shopping, Silverscreen, Starbucks, Trinoma on 29 Disyembre 2007 by pinoyjetsetter

6AM pa lang ay gising na gising na ang diwa ko. Ewan ko ba, kulang naman ako sa tulog. Ang sakit ng mga binti ko kahapon. Dami ko kasi nilakad, ang bigat pa naman ang sapatos kong pagMcDonalds.

Inayos ko na lang ang shuffle ko at nagdagdag ng mga kanta. Sa ngayon 100 songs palang ang nakalagay dito. Next week bibili ako ng audio cds na “Learning to speak German”. Wala lang. Trip lang. “Gutten Tag!”

Pasado 9AM na ako nakaligo at nakakain ng agahan kaya medyo nasira ang schedule ko (parang artista, l*che). Ang sarap kasi ng bagong lutong tinapa, itlog na maalat, kamatis at umuusok na kakasaing na kanin. 1030AM na ako nakalabas ng bahay. Ayos. Buti na lang at bakasyon, walang masyadong tao sa Maynila.

Madaling kumuha ng taxi ngayon. Kakahuli lang sa mga bwiset na driver na lumabag sa Operation Isnabero. Buti nga. “Sa Trinoma tayo, manong,” utos ko sa driver, sabay mukmok sa pakikinig ng Love Radio na siyang paborito ni manong driver. Hay…

Habang binabaybay namin ang Q.Ave., nagpahinto muna ako sa isang bangko para magwithdraw. Hindi ko gawain na magwithdraw sa loob ng mall. Bukod sa madalas na sira ang mga magagaling na ATM machines, yung mga maayos ay parating dinadagsa ng mga tao. Kaya sa mga bangko sa paligid ng mall ako nagwiwithdraw, kung kailangan. At least pagpasok sa mall gastos na lang… hahaha.

Diretso sinehan ang lakad ko. Napansin kong di pa karamihan ng tao. Konti pa lang ang nakapila sa takilyera. Wala akong hangad na panoorin sa mga MMFF movies, pero dahil gusto kong sulitin ang day-off ko, namili na lang ako ng sa tingin ko ay pinakamatino. Sakal, sakali, saklolo ang pinili ko.

Pagkatapos ng pelikula nagmadali akong lumabas. Baka kasi may biglang press na kukuha ng mga lumalabas na moviegoers at sabay hihingan ng comment/statement. “Syet ang galing-galing ni Juday bagay sila ni Ryan!!!” hahaha..

115PM na pala. Dumiretso ako sa Starbucks. Haba ng pila sa counter, parang Jollibee. Kasi double-sticker time. Ayos. Tatlong stickers na lang may planner na ako. Pagkakuha ko sa aking tall iced toffee nut drink ay umalis din ako agad, nilagok na parang tubig lang. Di katulad ng karamihan na oras ang inaabot sa pag-inom ng isang basong kape habang pa-chill-chill pa para kunwari ‘cool’, hindi pa man ako nakakalabas ng maliit na cafe ay ubos na ang samalamig ko.

Pasok uli sa loob ng cinema lobby. Dumadami na ang tao, pero walang nakapila sa sinehan. Maaga pa pala. Pwede pa akong manood ng sine. Pili…pili… syet wala na akong mapili. Paglapit ko sa counter, nasambit ko na lang ang mga katagang, “Enteng Kabisote”. Parang mali, pero sige na nga. Di pa man nagsisink-in ang pelikula sa utak ko, eto’t manonood na naman ako ng isa pa.

Di pa man ako nakakapangalahati sa pelikula, tinamad na ako. Di katulad ng SSS, di ako natutuwa sa pangalawang pelikula. Umalis na lang ako bago ako lalong mabagot. “Bakit siya umaalis?” malakas na sambit ng isang bata nung pababa na ako. Gusto ko siyang balikan at sabihang, “Iho, walang kwenta.” pero pinabayaan ko na.

Paglabas ko sa may area ng carousel parang may general assembly na sa Trinoma. Puno na ng tao ang paligid. Naghanap ako ng makakainan dahil nangingig na ako sa gutom. Dami kong gustong kainan kaso dahil mag-isa ako magmumukha naman akong tanga. So bumaba na lang ako sa Gerry’s grill at umupo sa isang sulok. Walang masyadong tao. Kakaiba.

Mag-aalas-sais na nung nakaalis ako ng mall. Parang estudyante. Buti na lang maraming taxi at walang nakapila. Kaso mo ang traffic sa gitna ng SM at Trinoma ay kakaiba, di gumagalaw masyado. Buti na lang nagtake-out ako ng Breadtalk. Inggit tuloy si manong driver, ako lang ang kumakain.

At ayun, isang araw na day-off. Gusto mang gumala pa ay wala akong kasama. Sa ibang araw uli.