The art of Paniningit

Habang nakapila ako sa cashier counter ng National Book store sa Trinoma kanina, isang medyo may katandaang babae ang biglang sumingit sa harap ko at nilapag na lang bigla ang mga pinamili sa counter, parang walang pakialam kahit na impossibleng di niya ako nakita sa tangkad at laki kong tao.

Uminit bigla ang ulo ko sa inis at marahan akong nagsalita,

“Excuse me!”

Ngunit di siya lumingon. Mukhang walang pakialam kahit sumigaw ako at gumawa ng eksena. At dahil sa ayoko nang patulan at baka magmukha pa akong mas walang pinag-aralan, pinabayaan ko na, pinagdasal na lang na sana lamunin na siya ng lupa, sa pinakamadaling panahon. Galit talaga ako sa mga taong ganito. Isa ito sa mga katangiang hindi ko kinalakihan at nagpapasalamat ako’t hindi ko nakalakihan.

Nasa likod pala niya ang anak niyang babae, at di nila maiwasang magkwentuhan pa habang hinihintay na matapos ang pagbayad sa cashier. Siyempre si cashier parang walang interes na bilisan ang trabaho at mukhang isang oras siyang nagsusupot ng mga pinamili ng walang hiyang matanda. Matapos umalis ng mag-inang magaling, nagcomment pa ang cashier.

“Grabe sumingit yun no, parang walang pakiramdam…”

“Alam mo naman pala, bakit wala kang ginawa? Sana pinapila mo siya.”

Tumahimik si cashier. Akala niya siguro sasakyan ko yung one-liner niya.

Binayaran ko na agad ang libro, hinanapan pa ako ng ‘Laking National’ card.

“Hindi ko ugaling mamili dito, nagkataon lang…”

Natahimik na naman siya.

Hindi talaga ako kadalasang nasisiyahan sa serbisyo ng mga empleyado ng National Bookstore. Yun ang malaking kadahilanan kung bakit hindi ko ugaling mamili sa mga branches nila, unless wala nang choice. Lalong lalo na pag pasukan, hinding-hindi ako papasok man lang para makipagsapalaran. Malamang kasi pakiramdam nila na dahil sa “national” bookstore sila, kaya na nilang maging ma-ere sa kadahilanang ang tao ang lalapit sa kanila at hindi sila kailangang magpakahirap upang lapitan sila ng mga customers.

At dahil na rin sa wala silang pakialam sa mga kaganapang ganito. Ilang beses na rin akong nakaranas ng pagkakataong may naghuhumiyaw sa galit na customer dahil may nakasingit na ibang customer sa pila ng cashier o kahit sa giftwrapping. Ewan ko ba.

Kayo, anong pinakamalupit na paniningit na ang naranasan nyo?

2 Tugon to “The art of Paniningit”

  1. grabe napikon naman ako dito… kung sa akin nangyari yan, baka pinatulan ko… or not. matanda kasi eh, “medyo” rerespetuhin mo, pero kung ganyan ugali…

    can’t sleep and found your blog. nice one. mind if i add it in my BR?đŸ™‚

  2. pinoyjetsetter Says:

    thanks for your comment Lenggai. di ako talaga pumapatol sa mga matatanda, kaya lang kasi, di reason ang katandaan para maging sutil… add din kita ah!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: