Blowing my disposable money Day 01

This morning I swallowed my pride and got my free lunch food from the employee cafeteria. Not that I like the food, not that I didn’t have other options, it was mainly because I was saving up for my upcoming coffee extravaganzas (Starbucks coffee to be exact) in my goal to start and finish this year’s Christmas planner promo.

Don’t get me wrong, isa akong natural na waldas na bata. Bili doon, bili dito. Impulse buyer. Kung anong makita ko na gusto ko, basta’t magiging masaya ako, at kaya kong bilhin, bibilhin ko. Hindi ako nagtitiis masyado kasi sa dami ng problema ko sa buhay, kahit papaano gusto rin naman maging masaya paminsan-minsan (shet ang drama).

Since I started hating the meals served at the cafeteria and started hating the people that goes to the cafeteria (meaning my co-employees), I vowed to never again be seen dining inside that small joint with some of the most plastic people I’ve met in my life. Pero ewan ko kanina, biglang tinamaan ako ng matinding topak. Nakuntento ako sa simpleng HotSiLog meal. Hindi pa nga siya special hotdog eh, basta jumbo lang, kulubot pa. Pero take-out. Sa office ko na lang kinain. Supposedly breakfast meal. Eh daming tinambak na trabaho ng magagaling na colleagues, so nakain ko na ng 1130H.

At exactly 12NN I went out to take a breather. Wala akong sinama at mag-isa lang akong nagpaka-autistic sa kalye, palakad-lakad, pakanta-kanta. Nang makita ko ang Starbucks sa may kanto, hindi na ako lumingon pa sa iba.

Before entering the store, an old classmate from highschool popped out of nowhere and said hellow. He happened to work at a nearby office.

Classmate(CM): “Oi JT! Wazzup?!”

JT: “Oi! Kamusta? Anong name mo nga pala uli?”

CM: “Kaw naman o. Its J.E., di ba magkaklase tayo from 2nd year to 4th year high school?”

JT: “Ah talaga? Sorry ha, I hated that period of my life eh. Saan ka nagwowork?”

CM: “Sa __ bank. Diyan lang sa tapat. Ikaw? Madalas kita makitang naglalakad sa kalye na naka-americana eh!”

JT: “Ah oo, dito sa may likuran.”

CM: “Wow, yung hotel? Sabi ko na nga ba eh, bigtime ka na! Sabi ko nga kina ‘x’ at ‘y’, di ka na ma-reach!”

JT: “Ano na nga ba ang balita sa kanila? Balita ko mga disgrasyada ha…”

CM: “Oo eh, nadaig ng libog ang utak…”

JT: “Walang utak kamo, puro barkada inatupag. Nagbahay-bahayan…”

CM: “Libre ka naman dyan kahit kape lang, mini-reunion baga,”

JT: “Cheap mo naman, papalibre ka lang pala, nag memory lane ka pa…”

Galit kasi ako sa taong yon, at sa barkada nila. Kumbaga sa American school setting, sila yung ‘cool’ group daw, yung binubuo ng basketball player, mga muse at escort, mga band members. Nandun ako sa normal lang, yung hindi nagpapatypecast, pero di naman wallflower. Ang ending binili ko na siya ng kape. Ayos na rin kasi at least nakadalawang sticker na rin ako sa promo card ko. 22 na lang!!!

Nakita ko yung planner. Mas maganda nga siya kaysa sa last year. Medyo trendy pa yung band niya sa gitna, yung parang accent niya. Sana hindi magkaubusan, o kaya sana, hindi magkaantay ng walang hanggan.

Doon na rin ako naglunch ng konti kasama si J.E. Bumili na rin ako ng sausage roll, croissant at banoffee pie bukod sa Iced Peppermint Mocha na siyang paborito ko. Hindi naman ako kagutuman pero unti unti ko rin siyang naubos. Si J.E., bukod sa kape, kumuha na rin ng chocolate cake at brownie. Hindi rin daw siya kagutuman pero kitang kita sa paglamon niya ng desserts na baka nabitin pa siya. At dahil sa malayo pa ang pasko, di na ako nag-alok ng isang pang round ng pagkain.

So ayun, ubos ang budget ko for the day. Naisip ko tuloy, buti na lang hindi muna ako uli nakikipagdate. Kahit na mas mahina kumain ang mga babae (kunwari), mahirap pag madalas na ako ang gumagastos sa pang-dalawa. Masisira ang diskarte ko sa gastos at baka di ko pa masunod ang lahat ng luho ko.

2 Tugon to “Blowing my disposable money Day 01”

  1. CM: “Libre ka naman dyan kahit kape lang, mini-reunion baga,”…. AT HINDI KA NA HININTAY NA MAG INVITE HA. SO KAFAL!!!!

    Naiintriga na tuloy ako lalo kung ano chura ng bagong planner ng starbaks. piktyur naman jannnn!

  2. pinoyjetsetter Says:

    haha. nature niya yon bilang magaling na tao. hayy buhay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: