Yugyugan sa tanghalian

Totoo nga, lumindol nga kanina. Habang ang karamihan ng mga tao ay naranasan ang panandaliang pagyugyog ng kalupaan, ako naman ay busing-busy sa kinakain kong pananghalian. Nakakapagtaka dahil loft-style setup ang resto na kinainan ko at may mga hanging zen lamps sila na ni hindi man lang yumugyog habang nagaganap ang paglindol. Nalaman ko na lang sa kaibigan kong nagtext na may nangyari na pala…

“Wer u? D2 me ofis. Katakot yung lindol. Kala ko mayayanig na ang building. Safe k b dyan?”

Naweirdohan ako nung una… hanggang sa umalis ako sa kinainan ko at naglakad lakad sa paligid, parang ang daming nag-uusap, at parang ang daming tao sa lansangan. Narealize ko tuloy yung nangyari sa Pacific Star ilang buwan na ang nakakalipas… ang malagim na pagsabog sa Glorietta 2… at ngayon isang lindol… lahat nangyari during BREAKTIME.

Ay talaga naman, sa sobrang kabusugan ko, parang wala na akong pakialam. Pero nung naalala ko na may mga magulang pala akong naiwan sa bahay at kapatid na nagtatrabaho sa di kalayuang lugar, nagstart na akong magpanic at magtatawag. Buti na lang… lahat sila, ligtas.

Hay… parang gusto ko na lang magskip ng lunchbreak bukas…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: