Close encounters inside the Metro Rail Transit

Noong nakaraang Sabado kinailangan kong magmadaling pumunta sa Trinoma. Galing Makati, MRT na ang pinakamabilis na paraan para makarating sa QC. Matagal-tagal na akong di nakakasakay ng MRT kaya medyo asal-engot pa ako.

Nung nakabili na ako ng “ticket” (na card naman), dumiretso na ako sa entrance. Nung pinasok ko ang “ticket”, rejected daw. Sumignal na ako sa mamang pulis at inabot ang card. Yun pala, baliktad ang paraan ng pagkakapasok kaya nirereject. Tanga. Umulit ako at okay na. Yes… Stage 1 clear.

Dumiretso ako sa platform at nakitayo sa lugar ng mga lalaki. Meron na palang special section ang mga babaeng pasahero. Pero bakit may mga nakatayo sa lugar ng mga lalaki. Hmm.. weird, ibig bang sabihin nito ay wala na silang karapatang magreklamo ng posibleng sexual harrassment dahil hindi sila pumwesto sa dapat nilang kalagyan?

Makalipas ang ilang minuto, dumating ang tren. Hindi pa humihinto ay naramdaman ko na ang panunulak ng mga tao sa likod ko. At dahil sa wala namang bumaba sa estasyon na yun, puno pa rin ang loob. Walang ka-effort-effort na nakapasok ako sa loob (kahit puno). Walang ka-effort-effort na nadala ako doon. Nagpatangay lang ako sa agos ng sangkatauhan.

Dahil sa may katangkaran ako, nakakalanghap pa rin ako ng malamig at mabangong hangin (medyo mabango na lang actually). Kaso, may hingang mala-exhaust/aircon naman akong nararamdaman sa bandang harap, kaliwa at kanan ng leeg ko, pati na sa batok. Yep, apat na iba-ibang kalalakihan, nakaharap sa direksyon ko. Para akong may apat na bodyguard, na literal na nakadikit sa katawan ko. Para akong nilagay sa molde, di makagalaw. Ni hindi ko man lang mapindot ang skip button ng shuffle ko.

Mula Makati, hanggang Cubao, ganun ang pakiramdam. Pinilit kong itaas ang kamay ko para hawakan ang pinakamataas na handrail. Instant Rexona moment. Buti na lang hindi ako putukin. Yung lalake sa harap ko, napatingin sa braso ko, napangiti.

“Ay, ang puti ng braso mo, tisoy ka nga!”

Ay leche. Wala na akong magagawa. Naipit na ang katawan ko at di na uli maibaba ang braso. Pinangatawanan ko na lang. Ngumiti na lang ako ng bahagya sa lalake (ngiting artista, kalahating pisngi lang ang ngingiti… uyy sinusubukan!!!) para naman matigil na ang usapan. Buti na lang pagdating sa Cubao, parang bumuhos ang sangkaPilipinuhan sa labas… kasama siya. Gustohin ko mang umupo, wala na rin akong mapwestuhan dahil nakabukaka ang mga lalakeng akala mo sopa sa bahay ang gamit. Galeng!

Pagdating sa North Avenue, parang karera ng kabayo ang naganap. Pagkabukas palang ng pinto ng tren, takbuhan na palabas. Unahan. Pinoy na pinoy, ayaw palamang, ayaw patalo, ayaw padaig.

Dumiretso muna ako sa CR pagpasok sa Trinoma, nagpalit ng shirt (buti na lang may baon ako) na kahit may gusot ng konti, hindi naman kasing kawalang-palad ng suot kong may mantsa ng pawis ng kung sino mang halimaw na dumikit sa likod ko. Kadiri talaga. Hindi naman sa pag-iinarte, pero kadiri talaga.

Ayun, nagkita naman kami ng kaibigan ko. Naalala ko tuloy yung babae na nakita ko kaninang nakatayo sa lugar ng mga lalake. Hindi kaya siya nasiksik sa loob ng tren? Pakiramdam ko tuloy ako ang napagsamantalahan… Waahahaha!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: