Jojo’s Dried Kahon(er… mango)

Mahilig ako sa mga prutas na mangga, milon, saging, strawberry at medyo sa durian. Sa katunayan, kapag ako ay nasa mall, madalas akong may iniinom na malaking baso ng big chill, either melon, o mango-melon duo.

Sa mga dried fruits naman mahilig ako sa dried mangoes. Nung isang araw may nag-alok sa akin ng isang pack ng Jojo’s (brand) na dried mangoes. Natuwa naman ako kasi para naman maiba, medyo healthy-healthyhan naman kunwari ang kinakain, kahit na nuknukan ng preservatives at asukal yun.

Makakapal at malalaki ang hiwa ng dried mangoes. Parang swelas na sa sapatos, sabi ko sa sarili ko. Nung kinagat ko, akala ko tumama na ako sa hula ko.

Ang kunat. Parang kahon na nilagyan ng preservatives. Kadalasan nang mala-goma ang dried mangoes, pero ito, mukhang makapal pa at malayo pa ang maibabyahe. Sinubukan kong kumagat ng medyo malaki. Ayaw. Medyo maliit. Ayaw. Sumakit bigla ang ngipin ko. Napwersa.

Kumuha tuloy ako ng tubig, yung medyo malamig. Sa halos 3/4 na punong baso, nilagyan ko ng tipak tipak na dried mangoes, at hinintay na marehydrate. Gawain namin ito sa culinary school noon para sa mga mango cakes, pandaya baga. Nung kinain ko na, inaykopo, lasang kinalburo. Hay, gusto ko nang itapon, pero nanghinayang ako. Mukhang tanga, kumuha ako ng gunting at ginupit-gupit hanggang maging bite-size pieces. Para akong kumakain ng daing na pusit na hindi na ininit para lumutong. Ay caramba.

Kaya sa susunod, mag-iingat na ako sa mga dried mangoes na kakainin ko. 7D ang alam kong brand na masarap. Meron pa ba nun? O kaya hihintayin ko na lang uli na maging panahon ang mga mangga…

7 Tugon to “Jojo’s Dried Kahon(er… mango)”

  1. lolz talagang hinanapan mo ng paraan para makain un dried mangoes ah heheh yes may 7D pa na brand, madami pa iba, yun made in cebu (export quality) ang masarap ahaha pero pinakamasarap yung walang brand.. yun ang pinapasalubong ko dito sa mga tao lagi (pati na rin sa sarili ko haha).. sana friends tayo para mabigyan kita nung no brand dried mangoes heheh😛 pag may friend ka pupunta cebu, yun hingin mo pasalubong😀

  2. btw, ni-add kita sa list of blogs i wanna read and i would like other people to read din (blogroll, in short) hahah

  3. pinoyjetsetter Says:

    salamat po. na-add na rin kita sa blogroll ko.🙂

  4. masarap din yung RM na brand. same here, mahilig din ako sa dried mangoes.

  5. pinoyjetsetter Says:

    maru: basta ayoko lang talaga ng kahon-like texture ng Jojo’s

  6. Kami po ay nagbebenta ng dried mangoes… Isa sa mga binebenta namin ay 7D dried mangoes at ang kanyang Mangorind (may 200g at 100g)… Pwedeng tingi, pwede ring isang carton…
    Kung mapapadaan ka sa may gawing C.M. Recto, may store kami sa may Benavidez St.
    If you’re interested, you can e-mail and I’ll tell you the other details…

  7. pinoyjetsetter Says:

    @ Tintin: wow ang saya naman ng mga binebenta mo. kung ako yan, lugi ako sa kakakain ko ng paninda ko. i’ll take note of your store sa Recto, pag napadaan ako dyan, bibili ako. thanks!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: