Isang tulog na lang..

Ang bilis ng panahon. Kailan lang di na ako mapakali sa pag-aantay ng Disyembre dahil sa init ng panahon. Ngayon, Disyembre na, at medyo mainit pa rin.

Inisip ko na rin ang gagawin ko sa aking 13th month pay. At ngayon, iniisip ko kung saan ko nga ba ito nagastos at parang ubos na.

Yung extension desk ko sa office puno ng mga papeles ilang buwan lang ang nakakaraan. Nung nagsimula na ang Disyembre, unti unti itong napalitan ng mga regalo. Ngayon na naiuwi ko nang lahat sa bahay, wala na siyang laman. Ang linis ng extension desk ko, parang wala akong trabahong naiwan.

Nung mga bandang November parati akong naghahanap ng maidedessert after lunch o every after meal. Ngayong kapaskuhan halos natikman ko nang lahat dahil sa mga nireregalo sa akin: iba’t-ibang klase ng brownies, butterscotch ng Iloilo, Mango tart ng Davao, macaroons ng QC, pastillas ng Bulacan, cassava cups ng Ilocos, kalamay ng Pampanga, halaya ng Tagaytay, pastel ng Vandep ng Camiguin, pralines ng Edsa Shang, polvoron ni Baby Tsina, Crepes ni Aling Contis, lemon bars ni Mary Grace, egg tarts ni Mang Lord Stow, Revel bars ni Tya Beckys at ga-sakong imported na chocolates galing Tate. Hay ang sakit na ng ngipin ko.

Ito na rin yata ang pinakamagastos kong pasko para sa sarili ko. Halos linggo-linggo kinakailangan akong bumili ng mga bagong isusuot sa kung ano-anong party na pinupuntahan ko. Lekat na mga themes yan. May White Christmas, may Retro Christmas, may Cartoon Christmas, may Colorful Christmas at kung ano-ano pa. Syempre lima ata ang party na napuntahan ko na White Christmas ang tema. Bakit ba? Anong meron sa White Christmas?

Isama na ang mga reunions at pagkain sa labas. Patalon-talon na rin sa mga lugar ng Serendra, Greenbelt, Fort, Baywalk, Baycity, Morato, Banawe, Trinoma, Alabang, Paranakyu at kung saan-saan pa. Hindi ko na alam kung ano ang waistline ko ngayon sa dami ng mga nakain. Basta naiinggit ako dun sa waiter ng Dencio’s na si “Doods”. Siya kasi ang pinakasikat na waiter nung kumain kami doon kasi may hawig siya kay Marc Nelson. Paksyet ka Doods! Wala tuloy pumansin sa akin! Bwahahaha…

Syempre andyan ang Simbang Gabi. At talaga naman, for the NTH time, di ako nakaattend ng kahit isa man lang. Habang nagsisipagkantahan ang mga koro ng simbahan ng Silent Night, ako naman ay nag-oorchestrate ng hilik ko sa malalim na pagtulog.

At bukas pala ay pasko na. Hindi ko pa rin nakikita ang mga inaanak ko. Magaling at hindi rin sila dumadalaw. Wag na sana, sana busy sila. Siguro makikigulo na lang ako sa mall para di nila ako mahingan ng Aguinaldo.

Kaso may maganda bang palabas bukas? Naku Metro Manila film fest pa pala. Hayy… kahit pilitin, mahirap tangkilikin ang sariling atin lalo na kung ang palabas ay mga tulad ng “Resiklo” na ayon sa kanila (Bong Revilla and family) ay “”””Hollywood-Standard ang Visual Effects””””. Hindi ako ang nagsabi nyan ha, kaya apat ng quotation marks. Para siguradong hindi ako maquoquote.

So ayun, magluluto muna ako. Kahit Pomodoro man lang para masaya naman ang gabi ko.

2 Tugon to “Isang tulog na lang..”

  1. ahaha resiklo! natawa ako nung nakita poster nyan hahaha talaga naman amf ahehe (sorry kung may nahurt😀 ) .. belated merry christmas😉

  2. […] ko si Moo, Antuken, Ice, Jovi, Karmi, Johannes, Annie and […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: