In da Bag: Pag pupunta ng Mall

Mahilig akong magdala ng clutch bag kapag lumalabas ako ng bahay. Ayoko kasi ng nakasuksok lahat ng dala-dalahan ko sa mga bulsa ng pantalon ko. Kadalasan ang laman nito ay ang mga sumusunod:

Cellphone

– Dumudulas ang telepono sa bulsa at nagmumukhang malapad ang hita ko lalo, kaya sa clutch bag ko na lang ito nilalagay, kahit risky

Susi ng bahay

– Wala akong sasakyan kaya susi lang ng bahay ang dala-dala ko.

Panyos

– May ‘s’ kasi marami. Medyo pawisin akong tao dahil mukhang pinaglihi ako sa polar bear na nabubuhay lang ng maayos sa malalamig na lugar. May isang nakasuksok sa bulsa ng pantalon ko, at dalawang reserba (sa mga panghinaharap na pagkakataon)

Oil-Control Film

– Ay ang arte! Hahaha! Pero sa totoo lang, malaking tulong ito. Kahit lalake kailangan din na magmukhang malinis, at di mamantika ang mukha. Sa tangkad at laki ko kasi, di imposibleng mapansin ako ng mga tao. Kaya kung pagtitinginan ako, sabay masebo ang mukha ko, yikes, dyahe.

Tic-Tacs

– Ay, ito dapat lahat may baon. Kadalasan pag nasa mall ako may nakakasalubong o nakakabanggang kakilala. Dyahe naman na pag-“hi!” mo parang naireport mo na rin ang lahat ng kinain at nabulok sa lalamunan mo sa baho ng hininga mo. Ay caramba!

Perdible

– Pag gitgitan na sa mall at nambabalye na ang mga tao, naglalagay na ako ng bukas na perdible na nakasungkit sa labas ng manggas ng damit ko para kung sino man ang magtangka ay sigurado makakatikim. Subukan ng maibigan!

Ballpen at papel

– Kahit cash transactions ngayon, may mga tindahan na pinapapirmahan pa ang mga invoice. Minsan din mamajackpot ka ng mga customer feedback surveys. Papel naman pag may gusto kang tandaan na di mo mailagay sa cellphone, o kaya pag may kailangan kang upuan na di ka sigurado kung nakailang buga ng utot ang huling umupo doon.

IDs at Credit Cards

– Kung saka-sakaling mag-inarte ang plansta ng credit card (kung saan iniiswipe ang card) magandang may dala kang proof of identification para di ka naman mukhang mandurukot ng wallet/card. Kailangan mo rin ito pang-panandaliang collateral, kung saka-sakaling naubusan ka ng pera at nakapunch na sa cashier yung binibili mo at kailangan mo pang magwithdraw sa labas para makakuha uli ng pera. Hay ang haba…

Pera

– Syempre

Business Cards

– Pang PR, just in case… o kaya baka makasalubong mo ang pinaka-epal na kaklase mo nung araw… pangyabang points! (haha ang kup*l)

iPod Shuffle

– Kung sakaling may makasabay ka sa elevator o kaya sa boutique na taong talak ng talak na parang nakikipagtalastasan kay Tita Swarding (Oi! Sino yun?)

Pabango

– Iba ang amoy pag galing ka sa isang punong mall. Amoy aircon na amoy pawis na amoy ewan, at ayokong mag-amoy ewan.

Minsan may iba pa… pero kadalasan ito ang bitbit ko.

Kayo, anong bitbit nyo?

9 Tugon to “In da Bag: Pag pupunta ng Mall”

  1. ahahah kawawa naman yung mga naperdible mo na😀

  2. […] nakakuha din aketch. Sigurado ko meron na rin neto ang sosyal na si Johannes a.k.a Pinoy Jetsetter dahil sabi nga nya eh halos isabaw na nya sa kanin ang kape ng Starbucks para makumpleto lang nya […]

  3. pinoyjetsetter Says:

    @lilmiz: well, ganyan talaga ang buhay… ganyan ang napapala ng mga nanggigitgit. pero effective yan ah… daming napapa-“aray”!

  4. pinoyjetsetter Says:

    @maru: haha… special mention na naman ako sa blog mo… ang sosyal na si Johannes! yak yak.. hehe… buti ka pa… may planner na… kaya ako, lalabas na uli at susugod sa pinakamalapit na starbucks… isang baso na lang!!!

  5. Hay ako ang dami2x kong bit-bit everytime na lalabas ako ng bahay.. kakainis minsan, pero mas ok na yung handa. Girl Scout kaya ako noon..😛

  6. pinoyjetsetter Says:

    @bevs. hehehe, good for you.

  7. hmmm, ok lahat yan nabanggit mo… at ang perdible ayus sa gamit pala, kaya simula ngayon maglalagay na ako niyan sa bag ko hihihi.

    ako naman nakasanayan ko ng magdala ng lotion and lip balm bec of the weather. alam mo natuwa ako sa header mo, namiss ko ang sucat jeep hehe…

  8. pinoyjetsetter Says:

    @MisyeL: kung sakaling may makabangga kang nakaperdible ang manggas ng damit, ako na yun! hahaha…

    ako lip balm lang lalo na ngayon na tigang ang labi ko sa pabago-bagong panahon, parang swelas ng sapatos ang labi ko.

    yung header naman ay para pinoy na pinoy ang paggiging jetsetter, via jeepney, kaya ayun…

  9. pinoyjetsetter Says:

    @MisyeL: kung sakaling may makabangga kang nakaperdible ang manggas ng damit, ako na yun! hahaha…

    ako lip balm lang lalo na ngayon na tigang ang labi ko sa pabago-bagong panahon, parang swelas ng sapatos ang labi ko.

    yung header naman ay para pinoy na pinoy ang paggiging jetsetter, via jeepney, kaya ayun… add pala kita blogroll ko ah! thanks.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: