Nabaling Resolusyons

(gaya ng palasigaw na boses ni Toni Gonzaga tuwing naghohost ng PBB)

 Hello Philippines and Hello World! Tayo ay nasa Day 8 na ng unang buwan sa taong 2008. (tingin sa kabilang side/angle) Hindi pa man natatapos ang unang sampung araw ng taon ay ilan na rin sa mga New Year’s resolution ko ang nabali at hindi natupad… narito, basahin nyong lahat:

No-Dinner Diet

Kamakailan lang ay nagswapang na naman ang tiyan ko at nagkapaka-karpintero sa napakasarap na buffet ng Spiral sa Sofitel. Hindi ko matiis na hindi maghapunan lalo na’t libre kong malalasap ang mahal nilang pagkain. Sulit sa tiyan, sira naman ang pigura.

i-Maximize ang planner

Pagkatapos magpakalunod sa kape ng Starbucks at masamsam ang pangarap na planner, ayun, nasa aparador ko siya, nakatambak. Saya.

Ayusin ang Aparador

Nasorpresa ako sa dami ng nabili at natanggap kong damit noong nakaraang Pasko, dahil yan sa pagbuhos ng laman ng aparador ko nung huli ko itong buksan. Pero tsaka na ang ‘getting-to-know you’ activity namin dahil wala pa akong oras dahil balik busy-busyhan na sa trabaho. 

Tipirin ang pera

Waldas pa rin kaliwa’t kanan. Plantsa ng plantsa ng credit card kahit saan magpunta. Sa loob ng ilang araw tatawag na naman ang mga kaibigan kong mga taga credit card companies na masigasig akong kamustahin at tanungin kung kailan ko mababayaran ang mga gastusin ko sa buhay.

Maging mahinahon

Masisisi mo ba kung natural na kaimbyernahan ang dala-dala ng kaopisina ko at sirang-sira ang diskarte ko sa buhay araw-araw? Dagdag pa ang mga lekat na kliyente na halatang walang urbanidad kung paano makitungo sa mga tao.

Pumasok sa opisina ng maaga

Hanggang ngayon madalas pa rin akong saved by the bell. Isang late na lang, memo na naman… hay.. ewan ko ba, batugan kumilos, madali namang uminit ang ulo pag naiipit sa traffic.

Sana’y hindi na madagdagan ang mga resolusyong nababali sa taong ito. Eh kayo?

3 Tugon to “Nabaling Resolusyons”

  1. shet inggit ako sa spiral moh. social! hehehe.. matagal na namin inaambisyong makakain dyan, kamahal naman ksi😦 .. sa tingin ko, kaya mo mga resolusyon na yan, gudlak!😉

  2. pinoyjetsetter Says:

    naku try mo, sulit talaga ang halos P2000/head meal mo doon. Ganda ng ambiance at food spread, tsaka okay ang service. high quality kumbaga.

  3. pssst! pogi!
    uu ikaw!
    remind lang kita.
    inaagiw na ang blog mo.
    update ka naman.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: